Be Aware, Be Alert (B.A.B.A)

00:53 0 Comments A+ a-


October 31, 2012, muntik na ako manakawan sa sinasakyan kong bus na pabyaheng MIA.  Ang bag ko ay nilaslas, isa sa harap at isa sa likod, I will not learn it until I got home and saw it.


Last year, I had a similar incident but I'm not the victim. It was such a terrifying scene for me.That time, galing ako ng Laguna kasama ang mga kaibigan ko pero kailangan namin maghiwalay pagdating ng Ayala. Papunta ako ng Las Pinas habang sila ay pa-Cubao. Sumakay ako ng bus na papuntang MIA -Tambo. Dis-oras na ng gabi yun at alam kong delikado na pero kailangan ko umuwi. I felt relieved that there are still many passengers inside the bus. Nasa bandang Pasay Rotonda na kami ng may isang  pasahero ang sumigaw at sinabing ninakawan siya nung pababang pasahero at wag na wag papalabasin ng bus. Nagkagulo na sa loob at yung pasahero na nagsabing ninakawan siya ay galit na galit at pinakita pa nya ang ebidensya na ang bag nya ay nalaslas, ang wallet nya daw ay nawawala. Samantalang yung inaakusahan ay nagsasabing inosente siya at wala siyang ginagawa. Sa gitna ng kaguluhan may nakita akong lalaki na pumagitna sa kanila, dahil nasa tabi ko lang yung lalaki (nakaupo kasi ako dun sa gitna malapit sa daan), nakita ko yung baril sa bulsa nya na nakalabas. Natakot ako sa ano mang mangyayari, I was already praying for my dear life. Yung biktima ay nagpupumilit na ihinto ang bus malapit sa police patrol na naka-istasyon lang malapit sa MRT. Nang malapit na ang bus sa police patrol, yung suspect ay tumakbo sa likuran at sinira ang salamin saka doon tumakas. Sinamantala nung lalaking may baril ang pangyayaring yun  at tumakbo palabas pagbabukas ng pinutan ng bus. Ang biktima ay bumaba din at hinabol ang suspect, hindi ko na nalaman pa kung ano yung nangyari pagkatapos nun... Ang alam ko lang maraming pasahero ang nagbabaan, iilan lang kami nagstay hanggang sa makarating ng Tambo, ParaƱaque yung kinalululan kong bus.
My cose bag - back side

Front side

And last Wednesday, I experienced it. Akala ko may kakaiba lang ako nararamdaman yun pala, nilalaslas na yung bag ko. I just came from office, trick or treat kasi. I have my DSLR with me, new cellphone, at kawiwithdraw ko lang ng pera ng araw na yun. Siguro sinuwerte lang din ako, kasi nung makatabi ko na yung lalaki, bigla kong hinawakan yung wallet ko, nilipat ko sa ibang bulsa yung cellphone ko. Instincts must have told me to take care of my things. Saka napapansin ko din na di mapakali yung lalaki. Meron siyang malaki at hugis  kwadrado, bag o kung ano mang gamit, na pinapantakip nya sa katawan nya. At kapag titingnan ko siya para siyang nagugulat parati. I was not really suspecting him that time but I felt relieved na pagdating ng Coastal, saka lang siya bumaba.

I was really clueless as in! And when I got home saka ko lang napansin yung nangyari sa bag ko, I was thankful, really thankful that nothing was taken away.  I told my Uncle about this incident and he told me the following things. I hope you might find it useful especially if you are a commuter just like me:
  • Kapag may malaking bag o gamit yung lalaki, maging mapagmatyag sa kanilang galaw, kadalasan, ginagamit nila itong pantakip habang sinasagawa nila yung modus. Kapag may nasense na di maganda sa katabi, lipat agad ng upuan. 
  •  Umupo sa upuang malapit sa bus driver, kung nakaupo sa likuran, lumipat agad kapag nakakita ng pagkakataon. Usually this incident happens kapag nasa bandang likuran ka.
  • Kung kaya, ihiwalay yung mga mahahalagang gamit sa di mportante. Or dalawang bag (bag sa loob ng bag!). Hindi agad makukuha ang gamit mo. You might find this silly :D
  • Hindi iisang tao ang gumagawa ng modus na 'to, they usually in groups, so be careful especially if you are in a three seater! 
  • In ordinary buses, hindi man laslas ang bag, madalas nadudukutan ka ng cellphone o wallet, kaya wag na wag ilalagay ang cellphone sa bulsa! Ang target nila minsan eh yung mga commuter na nakatayo malapit sa pintuan (kung nakasakay ka na sa ordinary bus), madalas dito sila umaatake, habang pababa sila (yung iba, taga takip sa isang kasamahan nila na gumagawa ng pandurukot!) Hindi mo mamalayan na nadukutan ka na until makababa na sila. Nagkaroon na ng ganitong insidente sa ordinary bus na sinakyan ko nitong buwan lang. Sa Magallanes, Edsa bumaba ang mga hudas. Hindi na nakuha nung babae yung cellphone dahil nakababa na ang mga lalaki.
  • And lastly, be aware and be alert. Wag magdisplay ng mga mamahaling cellphone, wag magdala ng masyadong malaking pera. You'll be the most likely their target. 

There, mag-ingat nalang tayo especially this season na maraming insidente ng nakawan na naman. Christmas season is also the season of holdapers.

    

a.k.a Carlzy. You can call me Zy or Carla. 20 year old something. A Computer Science graduate. Part-time IT gal and a full time wanderer. Loves watching movies, anime, and dramas. Romantic but not hopeless. Fun Photography. Foodie addict. CHEESECAKE LOVER.