Ito yung hugot na matindi

01:12 0 Comments A+ a-

Alam mo yung painting na ginuhit mo, yung painting na ginawa mo sa isip mo habang kinukwento nya yung dream house, yung dream family nya. Tapos sa isip mo, pinipinta mo na. Makulay, maganda, malinaw. Pero tulad sa painting na yun, bigla ka napaisip, wala ka pala sa eksena. Ikaw yung pintor pero tulad sa isang family portrait, ikaw lang yung nagpinta, pero di ka kabilang sa masayang larawan...edi wow! 

Hindi lahat ng painting ay makulay, may black and white din

Maganda na sana, habang kinukwento nya yung mga pangarap nya sa buhay, naglalakad kayo habang hawak nya kamay mo. Masarap pala sa pakiramdam na nalalaman mo yung mga ganun bagay pero kasabay ng pagkwento nya, ikaw naman si tanga akala kasama sa pangarap nya, pilit na ineentra yung sarili. Single yung pagkakakwento nya pero ang pumapasok sa isip mo eh plural. Narinig mo lang yung "I" akala mo na "We", "Us".


Asan ba yung pangarap mo? Ayun, sinabay mo sa pangarap nya, pero kahit kelan pala di ka kasama. Para kang sumakay sa jeep, kahit alam mong di ka na makakasakay, sumabit ka parin. 

We can dream, we can love together with that special person but it doesn't mean that they have the same feelings. Parating hindi magiging equal, minsan mas mahal mo siya, minsan naman mas mahal ka nya. Pero kung sa pangarap nya wala ka pala, kaya mo bang hintayin na sabihin nya ang "We" kesa sa "I"? 

a.k.a Carlzy. You can call me Zy or Carla. 20 year old something. A Computer Science graduate. Part-time IT gal and a full time wanderer. Loves watching movies, anime, and dramas. Romantic but not hopeless. Fun Photography. Foodie addict. CHEESECAKE LOVER.