Mga hugot kapag heart broken this Christmas

10:40 0 Comments A+ a-

Ilang kembot nalang at malapit na naman ang pasko. Christmas party doon, christmas party dito tapos bigla mo naisip na part ka din ngayon ng SMP - Samahan ng Malalamig ang Pasko o pwede din Samahan ng mga Maglalandi sa Pasko. Siyempre, bago ang damit, bago ang shoes, dapat irampa yan this season. Pero dahil HB ka (read: heart broken) dahil sa hinayupak mong ex, ngalngal nalang muna sa tabi at iwasan ang mga ganitong tao/bagay na maaaring magpaalala sa kanya (hugot muna tayo ngayon, haha):

patawad

"Patawad!" - Linya sa mga pobreng nangangaroling kapag ayaw magbigay. Oo ganyan naman sinasabi kahit ginawa mo naman lahat. Yung Joy to the world, x10 mo na ata kinanta pero wa epek pa rin. Patawad, patawad kasi di na kita mamahalin. Ouch!



ang babarat ninyo


"Thank you, thank you, ang babarat ninyo thank you!" - mga batang nangaroling sa kuripot na kapitbahay. Parang ex mo, binarat ka sa pagmamahal.

tagu-taguan


Tinataguan ka na nga, hinahabol mo pa - mga inaanak na hinahanap ang kanilang mga ninong at ninang na nagtatago. Parang ex mo na ayaw na magpakita sayo.

"Hi Ninang! Merry Christmas po! I love you." - inaanak mo na naalala ka lang tuwing pasko. Love ka nya, kasi may gift daw siya pero pag wala -  ignored.

"Ang laki mo na" - tita mo na every year bumibisita sa inyo tuwing pasko. Iwasan mo siya dahil maalala mong naging balyena ka dahil sa ex mo.

inaanak


"Mamasko po!" - mga taong bigla nalang susulpot sa bahay nyo at magsasabi ng ganito. Naku, ingat sa mga ganyan, bigla nalang susulpot sa buhay mo tapos ano? Iiwan kang luhaan. Isarado ang gate nyo ng mabuti, please lang!

christmas envelope


Merry Christmas and Happy New year envelope  - galing sa security guard,barangay tanod o kung sino man na humihingi ng pamasko sa pamamagitan ng sobre. Buti pa sila naalala kang batiin via mail samantalang si ex hindi. 

Iwasan mo din ang mga kantang ito:



"Whenever I see boys and girls selling lanterns on the street.
I remember the boy but I don't remember
the feeling anymore" - opps, Christmas in our hearts ang kanta pero si Ex-jowa pala ang naalala.

last christmas

"Last Christmas I gave you my heart but the very next day you gave it away!" - Wow, ang landi ni ex di pa nahiya sinama pa sa christmas party nyo ang bago nyang interest, ang sarap batuhin ng pin.

sana ngayong pasko

"Sana ngayong pasko ay maalala mo pa rin ako..." - naks, hopia pa more! Kahit si Erik Santos bigla nalang napalingon sa pagsesenti mo.. haha

At higit sa lahat iwasan mo ang Facebook!
- oo tama FACEBOOK, tama na ang pag-iistalk, tama na mga hugot posts, tama na pagtingin-tingin sa wall ng kapatid, nanay, ate/kuya,pinsan ni ex. Paano ka makakamove-on kung binabantayan mo bente kwatro oras yung wall ni Ex at may pa-popost ka pa ng mga hugot quotes. Pinapatagal mo lang pag move on mo. Isipin mo nalang na sa bawat oras na sinayang mo sa pang-iistalk ng facebook ni ex, eh ang oras na nagsasaya din siya na wala kayo.

Siyempre cher lang naman ang mga yan. Hindi naman dahil heart broken ka eh magpapakalunod ka na sa lungkot. I think this is the best time to give yourself something special. Be happy, malay mo binabalot pa ni Santa yung gift na ibibigay nya sayo (na traffic nga lang sila ni Rudolph). Anyway,

ADVANCE MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR! (Oo advance akong bumati, paki mo po? hihi).

Notes:
Most of the photos are from google images, edited using by paint. GIFs are from youtube videos, converted them via gifmaker.me

a.k.a Carlzy. You can call me Zy or Carla. 20 year old something. A Computer Science graduate. Part-time IT gal and a full time wanderer. Loves watching movies, anime, and dramas. Romantic but not hopeless. Fun Photography. Foodie addict. CHEESECAKE LOVER.